Home »
» A Silent Voice
Bilang isang pasaway na kabataan, si Shouya Ishida, isang estudyante sa elementarya, ay naghahanap ng libangan sa mga pinakamarahas na paraan. Nang lumipat sa kanilang klase si Shouko Nishimiya, isang binging estudyante, si Shouya at ang buong klase niya ay walang awang nambu-bully sa kanya para lang sa katuwaan. Ngunit nang ipagbigay-alam ito ng ina ni Shouko sa paaralan, si Shouya ang pinag-initan at sinisi sa lahat ng nangyari sa kanya. Pagkalipat ni Shouko sa ibang paaralan, naiwan si Shouya na pinagtutulungan at binabalewala ng kanyang mga kaklase. Tinuligsa siya at itinakwil ng buong elementarya at maging sa high school, habang ang mga guro ay nagbubulag-bulagan. Ngayon sa kanyang ikatlong taon sa high school, hindi pa rin siya matahimik dahil sa mga pagkakamali niya noong kabataan. Taos-puso siyang nagsisisi at nagsimulang maglakbay patungo sa pagtubos ng sarili: upang muling makita si Shouko at humingi ng tawad. Ang Koe no Katachi ay isang madamdaming kwento ng muling pagkikita nina Shouya at Shouko, at ng kanyang taos-pusong pagsisikap na itama ang kanyang mga pagkakamali, habang patuloy siyang binabagabag ng anino ng kanyang nakaraan.
Release Date: Sep 17, 2016
Movie
Genres: School, Shounen, Drama, Slice of Life, Romance
PG13